Tanong: Isa po akong estudyante may nakita ako sa isang post na mumurahin lang na Canon na katulad po nitong picture sa baba, tama lang po ba itong bilhin ko? baka po kasi mahinang klase ito lalo pinag ipunan ko pa ang pera na ito. kaya gusto ko pong makasigurado sa bibilhin ko na printer. kung hindi po iyan pwede po bang malaman kung ano ang mairerecommend nyo na printer para sa katulad ko na estudyante na budget friendly pero tumatagal ng maraming taon.
Sagot: Hi there, tama lang ang ginawa mo na nag research ka muna bago ka bumili dahil sa kadahilanang hindi iyan ang maaari kong ibigay na mairerecommend ko na printer para sa mga estudyante, Ang problema kasi sa Canon Pixma printer na pinakita mo ay ang ink nito ay Cartridge type, papalitan ang cartridge kapag naubos na. Ang presyo ng ink ay (black P485) (Color P985) na ang kayang i print na bondpaper ay nasa 400 pcs. lamang wala pang isang ream ng bond paper.
Kahit sabihin nating ipa convert mo ito para maging Continous Ink (CISS) (para maging refillable tank type yung Ink) magbabayad ka pa para ma convert ito sa halagang P1,000-P1,500 pero hindi pa din worth it, bakit? dahil kapag hindi mo magamit yung printer ng ilang araw ay umaangat yun ink sa hose (palayo sa head ng printer) dahilan para higupin mo pa ito gamit ang syringe para bumalik pababa yung ink, may mga times na gumagana pero minsan hindi kaya dadalhin mo uli ito sa technician para ipaayos. kaya sakit pa din sa ulo ito dahil sa gastos at abala.
Ang mai recommend kong budget friendly para sa Estudyante ay ang Ink tank system na printer na affordable, naka continuos ink na, (CISS) kayang magprint hanggang 12-14 na ream or 6,000-7000 pcs. ng bond paper bago mo refill-an uli ng ink. Ang kada bote ay nag re range sa P700-P1,200 isang set na para sa Cyan, Magenta, Yellow at Black. narito ang mga printer na pwede mong mapagpian.
- Canon G1010
- Epson L121
- Canon G2010,multifunction